Frequently Asked Questions
FAQ for riders
Para makapag-apply bilang Keri Rider, I-download lang and KERI Rider app sa Google Play Store, sundin ang instructions sa Sign-up Form, at hintayin na ikaw ay i-notify para sa susunod na hakbang sa proseso ng application.
Ang pangalawang hakbang sa Rider application, ay ang in-app training. Kapag kumpleto na ang requirements na nasumite sa app, makakuha kayo ng link para sa rider training na maari ring magawa sa app. Mayroon ding maiksing pagsusulit para lamang maverify kung na naintindihan ang pinakimportanteng kaalaman para sa rider (paggamit ng app, safety, atbp.)
Ang pangatlong at huling hakbang sa application ay ang pick-up ng Rider Starter Kit mula sa aming opisina sa Bicutan, Parañaque. Sa panahon natin ngayon na may kumakalat pa ding virus, eto ay nakaschedule kada rider, upang masigurado ang social distancing.
Sa ngayon, mga motorsiklo pa lang ang aming tinatanggap sa aming fleet.
Ang aming fleet ay nag-ooperate sa buong Metro Manila. Kasama rin ang Antipolo, Taytay, Cainta, San Mateo sa Rizal. San Pedro, Binan, Sta Rosa, Cabuyao, Calamba sa Laguna. At Carmona, Dasmarinas, Bacoor, Imus, General Trias, Tagaytay sa Cavite. Pagkaraan ng ilang buwan, ay mag-expand din ang Keri services sa ibang bahagi ng bansa lalo na sa ibang progresibong probinsya. Aming iaanunsyo sa aming social media pages sa oras na kami ay mag-operate na din sa ibang lugar.
Ang mga dokumentong kailangang i-upload (at kalaunan mapakita sa opisina namin) ay ang mga:
- NBI Clearance
- Police Clearance
- Professional Drivers License
- ID Picture (white background)
- OR/CR ng motor
Pwede po. Pwede mag-apply as Rider ang hindi nakatira sa syudad ng kasalukuyang scope ng operation ng Keri.
Dahil delivery lang ng hindi kalakihang mga bagay lang ang papayagan maideliver, pwede na po ang non-professional driver’s license.
Sa pangkaraniwang panahon, kaya matapos sa loob ng dalawang (2) araw pagkatapos ma-submit ang kumpletong requirements sa Keri Rider app. Makakatanggap din kayo ng notification para sa in-app (online) training, na may kasamang maikling assessment. Ang mga ito ay kayang magawa sa loob ng isang araw. Kinabukasan ay pwede na kayo ma-schedule pra makuha ang Rider Starter Kit.
Dahil sa laganap pa rin ang Covid-19 virus, ang mga proseso ngayon ay mas matagal kumpara sa pangkaraniwan. Ginagawa ng Keri office ang lahat para mapabilis ang proseso na hindi binabalewala ang patakaran ng Safety Standard Protocol at Social Distancing.
Kontakin ang opisina namin, magpadala ng email sa apply@keridelivery.com, at babalikan po naming kayo sa detalye. Tutulungan naming kayo makipagugnayan sa aming motorcycle dealer partners na actual na magpproseso ng inyong aplikasyon pra magkaroon ng motorsiklo.
Ang makakapag-refer o maka-invite gamit ang promo code ang isang rider kapag ang aplikasyon bilang Keri Rider ay maaprubahan. Kapag aprubadong Keri Rider na, magagawa ang referral (kasama ng Referral Code) gamit ang Keri Rider app, na may “invite” function. Ang rider na nag-refer o nag-invite ng ibang riders na naaprubahan din bilang rider/s, ay makakakuha ng katumbas ng 180 Pesos top-up sa Keri Rider app (kada aprubadong rider), kapag ang na-refer at na-accredit na riders nya ay nakapagbiyahe ng dalawanpung na ng (20) beses.
Hindi kailangan ang Referral Code para makumpleto ang Rider application sa aming app. Kung eto ay hinihingi ng Keri Rider app sa aplikasyon nyo, maari lang po i-update ang version ng app, o i-uninstall at muling install ang Keri Rider app.
Kahit anong brand ng motorsiklo na may displacement na 100 to 200cc at 2013 pataas ang aming tinatanggap. Kung wala kang motorsiklo, kontakin ang aming opisina para malaman pano ka naming matutulungan.
Ang Keri Rider/s ay kailangang Labing-walong taong gulang o pataas (at least 18 years old), hangang sa kaya ng pangangatawan.
Ang accredited Keri Rider ay makakatangap lamang ng booking ng Padala, Pabili, Papila na serbisyo, kapag may top-up na na-load sa app wallet. Magagawa eto sa mga lugar na may ECPay, na available sa karmihan ng 7-Eleven stores.
Ang App Usage Fee ng Keri ay 18%. Ibig sabihin sa bawat 180 pesos na top-up, magkakaroon kayo ng 1,000 halaga sa wallet ng Keri Rider app. Ang halaga sa wallet ay katumbas sa halaga ng mga serbisyong pwede ninyong maihatid sa customer. Sa halaga na bayad sa inyo ng customer, ay ganun din ang halaga na mababawas sa wallet ninyo sa app.
Ang mga rates natin sa customer ay:
Our Rates (Keri for Business)
Category | RATES (PhP) | Remarks |
---|---|---|
Base Rate | 55 | Fixed Rate per Transaction |
PERO KM RATE (Post Paid) | 7 | Variable rate, based on total distance |
PERO KM RATE | 6.5 | n/a |
PERO KM RATE(Pre-paid) | 6 | n/a |
ADDL'L DROP-OFF | 35 | Variable rate, based on additional drop-off (excess of 1 drop-off) |
- For post-paid - Statement of account submitted every Monday (Covering Saturday to Friday)
- Cash - Paid every transaction, diretly to rider
- Pre-paid - Minimum of 1,000 Php load.
Our Rates (Keri BOSS Program)
Category | Express / Same-day Delivery | 3-5 Days Delivery (non-perishable goods only) |
---|---|---|
Base Rate Fixed Rate per Transaction |
55 |
Metro Manila: 75 Outside of Metro Manila: 175 (Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite only) *For less than 1kg items, and less than 180 square inch per item. |
PERO KM RATE (Post Paid) Variable rate, based on total distance |
7 | n/a |
ADD'L DROP-OFF Variable rate, based on add'l drop-off (excess of 1 drop-off) |
35 | n/a |
Long-distance Fee incentive program for riders |
18-24km: 30 25km and above: 80 |
n/a |
Terms | Upon Completion, via Bank Transfer |
50% downpayment, 50% upon completion, via Bank Transfer |